GMA Logo Sparkle Campus Cutie Mad Ramos
PHOTO SOURCE: @madramoss
What's on TV

Sparkle Campus Cutie Mad Ramos, blessed na maging bahagi ng Sparkle at GMA

By Maine Aquino
Published July 15, 2025 5:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle Campus Cutie Mad Ramos


Alamin kung bakit sinabi ni Mad Ramos na grateful siya bilang isang Sparkle at Kapuso star.

Nagpasalamat si Mad Ramos dahil nagsisimula na ang kaniyang showbiz career sa Sparkle at GMA.

Si Mad ay unang nakilala bilang Spike Prince of the South sa Sparkle Campus Cutie. Siya ang nanalong Ultimate Campus Cutie sa grand finale noong June 21, 2025.

Ipinakilala na rin si Mad na bahagi ng youth-oriented series na MAKA: Next Chapter kasama ang Kapuso actors na sina Anton Vinzon at Raheel Bhyria.

Sa kaniyang pagbisita sa TiktoClock, inilahad ni Mad na nagpapasalamat siya sa katuparan ng kaniyang pangarap.

Mad Ramos

PHOTO SOURCE: @madramoss / TiktoClock

Ani Mad, "I feel so grateful and very honored na to work for GMA para pasayahin ang mga Kapuso and mga Tiktropa."

Bukod dito, sinabi rin ni Mad na blessing ang pagkakapanalo niya sa Sparkle Campus Cutie. Ito raw ay dahil mahigpit ang laban nilang finalists dahil lahat ay talented at guwapo.

"I feel so blessed na nanalo ako kasi 'yung mga kasamahan ko talented din, mga guwapo, and ako 'yung nanalo. I feel so blessed."

Panoorin ang Sparkle Campus Cuties sa TiktoClock:


SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA SPARKLE CAMPUS CUTIES DITO: