GMA Logo Sparkle Campus Cuties
What's on TV

Sparkle Campus Cuties, magpapakilig at magpapagalingan sa paghula ng top answers sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published September 2, 2026 11:06 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Bagong silang na sanggol, patay nang matagpuan sa tambakan ng mga basura
3 sa 4 ka Suspect sa Pagdagit-Patay sa Lalaki nga Taga-Consolacion, Sikop | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle Campus Cuties


Abangan ang tapatan ng Team Campus at Team Cuties ngayong September 2 sa 'Family Feud'.

Haharap sa panibagong challenge ang Sparkle Campus Cutie Season 2 sa Family Feud ngayong September 2.

Mangunguna sa Team Campus si Frances Lacap na kilala bilang “Ang Go-getter Influencer ng New Manila.” Bukod sa pagiging Ultimate Campus Cutie, isa siyang student, content creator, model, at commercial actress na patuloy na binubuo ang kanyang career sa entertainment industry.

Kasama niya si Mhai Arekat, o “Ang Dancing Kikay ng Rizal” at creative all-rounder dahil marunong siyang sumayaw, kumanta, mag-model, at gumuhit. Mapapanood din sa grupo si Geanne Castro, “Ang Sentimental Sweetheart ng Pampanga.” Mahilig siyang maglaro ng table tennis, na natutunan niya mula sa kanyang ama at lolo. Nakikilahok na rin siya sa poetry speaking competitions simula six years old.

Kumukumpleto sa Team Campus si female first runner-up Abi Arnold, o “Ang Techie Mutya ng Pampanga.” Winner din siya ng isang national hackathon, mahilig din siyang mag-volleyball, sumayaw, maglaro ng video games, at sumabak sa beauty pageants.


Sa kabilang panig naman ang Team Cuties, na pangungunahan ni Rayu Gravador na kilala bilang “Ang Cutie Lover Boy ng Bulacan.” 17 years old pa lamang si Rayu at kasalukuyang nag-aaral sa FEU Manila. Bukod sa pagiging basketball fan, marunong din siyang tumugtog ng guitar at may experience sa badminton at drums.

Kasama niya si Thirdy Dangca, “Ang Makulit na Rockstar ng Las Piñas.” Nagsimulang matutong mag-gitara si Thirdy noong 14 years old siya at makalipas lamang ang isang taon, sumali na siya sa isang school band. Tampok din sa grupo si Madoxx Miguel, o “Ang KiwiNoy Charmer ng Pampanga.” ang student na mahilig sa basketball, gym sessions, at yoga.

Hindi pahuhuli ang male first runner-up na si Ronnie Pasamba, “Ang Blazing Baller ng Bulacan.” Basketball player si Ronnie para sa De La Salle-College of Saint Benilde na marunong ding kumanta, sumayaw, at umarte.

Abangan ang tapatan ng Sparkle Campus Cutie Season 2 sa fresh episode ng Family Feud ngayong September 2, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play. Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.