GMA Logo Liana Castillo and Sparkle Campus Cuties
What's on TV

Sparkle Campus Cuties, nagpakilig sa 'Love Under Cover' ng 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published July 15, 2025 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Liana Castillo and Sparkle Campus Cuties


Alamin kung sino'ng Sparkle Campus Cutie ang napili ni Liana Castillo sa 'Love Under Cover'.

Si Liana Castillo na no boyfriend since birth o NBSB ang namili sa mga Sparkle Campus Cuties na sumabak sa "Love Under Cover" ng TiktoClock.

Nitong Lunes, July 14, ang Sparkle Campus Cuties ay bumisita sa morning variety show na TiktoClock. Bukod sa "Love Under Cover", napanood din sila sa "Match Maswerte" kasama ang mga Tiktropa.

Liana Castillo and Sparkle Campus Cuties

Pagdating sa "Love Under Cover", nagpayo and Sparkle artist at birita ng The Clash na si Liana bago sila magpakilala sa isa't isa. Payo ni Liana sa Campus Cuties, "Be their authentic self po and may sense of humor po."

Ang mga Sparkle Campus Cuties na sumali sa "Love Under Cover" para maka-date si Liana ay sina Ralph Miaco, Kady Costales, Neathan Tan, at David Bunagan. Sa huli, ang napili ni Liana ay si Sparkle Campus Cutie na si David.

Balikan ang kanilang pagsabak sa "Love Under Cover" dito:

Sa mga nais na maka-date ang inyong mga celebrity crush, sali na sa "Love Under Cover" sa TiktoClock. Panoorin ito para sa kabuuang detalye.

Patuloy na subaybayan ang TiktoClock para sa kilig, happy time, at bigayan ng blessings, Lunes hanggang Biyernes 11:00 am sa GMA.

SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA SPARKLE CAMPUS CUTIES DITO: