
Matapos magbigay ng kilig sa ikalawang bahagi ng Sparkle Kilig Series na Beyond Game, muling magkakasama sa isang proyekto ang bagong Sparkle love team na sina Bryce Eusebio at Princess Aliyah sa upcoming inspirational drama series ng GMA, ang Forever Young.
Kapwa excited na sina Bryce at Princess para sa bagong serye kung saan makikilala sila bilang Cliff at Roselyn. Isa si Roselyn sa mga kapatid ni Rambo, na pagbibidahan ng award-winning child actor na si Euwenn Mikaell.
Sa Forever Young, makakatrabaho rin nina Bryce at Princess sina Nadine Samonte, Alfred Vargas, Michael de Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Althea Ablan, Lucho Ayala, at Anjo Damiles.
Bukod sa excitement, kapwa kinakabahan din sina Bryce at Princess dahil sa mga bigatin at mahuhusay na aktor na makakasama nila sa serye.
"Iba 'yung kaba kasi siyempre [nandiyan] mga veterans natin sina Ms. Eula, Mr. Michael, pero I feel super excited kasi [makaka-work] ko rin sila," sabi ni Bryce.
Dagdag naman ni Princess, "Syempre nape-pressure and kinakabahan kasi hindi ko pa po mostly nakaka-work ang mga artista rito. And I'm very excited po [kasi] sobrang bait din po talaga nila and welcoming."
Ipinarating din ni Princess ang excitement na makatrabaho si Euwenn na magiging kuya niya sa serye.
"Si Euwenn kasi 'yung character niya bata siya pero mature s'yang mag-isip. Nakakasunod talaga siya kahit naglalaro na akala mo hindi siya nakikinig pero nakabisado n'ya pala lahat.
"And 'yung role n'ya rito is kuya namin so very interesting and excited kami kung paano namin gagampanan 'yun kasi nakikita namin siya as a little brother," pagbabahagi ng aktres.
Ang Forever Young ay iikot sa pambihirang kuwento ni Rambo, isang 25-year-old na na-trap sa katawan ng isang 10 year-old dahil sa rare medical condition na panhypopituitarism kung saan naapektuhan ang paglaki nito.
Abangan sina Bryce at Princess sa Forever Young, soon sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: