
Nagpasaya ang mahuhusay na Kapuso stars ng kanilang mga taga-suporta sa ginanap na fan gathering event na “Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat” sa SM Skydome nitong Linggo, November 20.
Ramdam na ramdam din ng fans ang kilig mula sa performances ng ilang Sparkle love teams.
Sa recent Instagram post ng Sparkle GMA Artist Center, mapapanood ang dance performance nina Sparkle Sweethearts Allen Ansay at Sofia Pablo, o AlFia, sa stage na talagang kinagiliwan ng kanilang mga taga-suporta.
Isang nakakakilig na song number naman ang inihatid nina Jamir Zabarte at Zonia Mejia, o JaNia, para sa fans.
@sparklegmaartistcenter #JaNia bringing the kilig 😭 @Jamir Zabarte on IG @Zonia Mejia #SparkleGMAArtistCenter #SparkleFansDay ♬ original sound - Sparkle GMA Artist Center
Bukod sa Kapuso love teams, ipinamalas naman nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega ang kanilang dance moves sa stage nang sayawin nila ang hit song ni Beyonce na “Crazy in Love.”
Samantala, hinarana nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos ang crowd nang kantahin nila ang kanilang cover ng “Pagtingin,” na popular track ng bandang Ben&Ben.
Ang malaking fan gathering event na ito ay paraan ng Sparkle upang magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila.
Bukod sa inihandang performances ng Kapuso stars, mayroon din ilang lucky fans na nanalo sa raffle draws at nakapag-uwi ng premyo.
BALIKAN ANG GINANAP NA “SPARKLE FANS DAY: ISANG PASASALAMAT” SA GALLERY NA ITO.