GMA Logo abdul raman
Source: aboodyboi (IG)
What's Hot

Sparkle star Abdul Raman, naglunsad ng sarili niyang foundation

By Marah Ruiz
Published September 24, 2023 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

South Korea says it's considering energy vouchers, boosting coal and nuclear power
Lalaking may bukol sa mukha, naoperahan sa ilalim ng operation bukol project ng GMA Kapuso Foundation sa tulong ng UST Hospital
Mga Babaeng Police, Nagpakita sa Katakos sa Pag-responde sa Alarma sa Bomba | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

abdul raman


Naglunsad ng sarili niyang foundation para sa mga bata si Sparkle star Abdul Raman.

Isang panibagong proyekto ang inilusad ni Sparkle star Abdul Raman nitong September 23, kasabay ng kanyang ika-20 na kaarawan.

Ibinahagi ng young actor na nagsimula siya ng sarili niyang foundation para sa mga batang nangangailangan ng tulong.

Tatawagin itong Abdul Raman Foundation at itinuturing niya itong isang sadaqah o "charity given voluntarily in order to please God."

"Happy to announce that I will be starting my own foundation with the focus on helping children, all help is appreciated," sulat niya sa Instagram.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi rin niya ang layunin ng kanyang foundation.

"To prevent poverty and provide resources for the children in need through the generosity of Abdul Raman and support from his AbdulNation," saad nito.

A post shared by Abdul Raman (@aboodyboi)

Magiging bahagi si Abdul ng bagong youth-oriented anthology series na Sparkle U.

Sa first installment nito na "Frenemies," makakasa niya ang kapwa Sparkle stars na sina Shayne Sava, Zephanie, Michael Sager, Roxie Smith, Anjay Anson, Lauren King, Vanessa Peña, at Princess Aliyah.

Kuwento ito ng pangkaraniwang mga estudyante na biglang aangat ang social hierarchy matapos nilang i-rescue mula sa sunog ang queen bee ng school.