GMA Logo shanelle agustin
Courtesy: shanelleagstn (IG)
What's on TV

Sparkle star na si Shanelle Agustin, mapapanood sa 'Abot-Kamay Na Pangarap'

By EJ Chua
Published April 4, 2023 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend Livestream: May 17, 2026
Ashley Rivera shares first Hyrox race experience
NBI, PNP enter steel mill firm in MisOr; workers stage rally

Article Inside Page


Showbiz News

shanelle agustin


Abangan ang role ni Shanelle Agustin sa top-rating afternoon series na 'Abot-Kamay Na Pangarap!'

Isang bagong karakter ang mapapanood sa hit GMA inspirational-medical drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.

Bukod sa veteran actress na si Dina Bonnevie, mapapanood na rin sa serye ang Sparkle star na si Shanelle Agustin, na gaganap bilang si Jayra.

Kaabang-abang ang pagtatagpo ng kanyang karakter at ang karakter ni Jillian Ward na si Analyn Santos.

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang unang pagkikita?

Ang karakter ba ni Shanelle ang babaeng nag-iwan ng sanggol sa APEX Medical Hospital?

May maitutulong kaya si Analyn sa problema ni Jayra?

Samantala, noong 2021, napanood si Shanelle sa GMA Telebabad series na The World Between Us, kung saan nakikilala siya roon bilang batang version ni Lia na kalaunan ay ginampanan ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith.

Matatandaang ilan sa guest actors na unang napanood sa serye ay sina Mavy at Cassy Legaspi, Lianne Valentin, Anjo Damiles, Shaira Diaz, Joyce Ching, Betong Sumaya, Arny Ross, at marami pang iba.

Patuloy na subaybayan ang mga susunod pang mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa via Kapuso Stream.

Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito.

SAMANTALA, NARITO ILAN PANG CELEBRITIES NA NAGING GUEST ACTORS SA ABOT-KAMAY NA PANGARAP: