
Nagkasama-sama ang mga Sparkle artists at executives para sa isang mass at eulogy para kay Andrei Sison.
Si Andrei ay pumanaw noong Biyernes, March 24. Ayon sa statement ng Sparkle, binawian ng buhay si Andrei dahil sa car accident.
Noong March 29 ginanap ang mass at eulogy para sa young actor. Dumalo rito ang kaniyang mga kaibigan para ibahagi ang kanilang mga kuwento tungkol kay Andrei. Si Denise Barbacena ang nagsilbing host sa araw na ito.
PHOTO SOURCE: Sparkle GMA Artist Center
Ilan sa mga nakita sa naturang pagtitipon ay ang teen stars na sina Bryce Eusebio, Ashley Sarmiento, Selina Griffin, Waynona Collings, Antonio Vinzon, Princess Aliyah, Aya Domingo, at Aidan Veneracion.
Dumalo rin sa mass at eulogy sina Gaea Mischa, Charlie Fleming, Naomi Park, Marco Masa, Liana Mae, Lee Victor, James Graham, Aya Domingo, Keisha Serna, John Clifford, at Zyren Dela Cruz.
PHOTO SOURCE: @tracymgarcia
Dumalo rin ang Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia sa pagtitipon na ito at nagbahagi siya ng ilang mga detalye at kaganapan sa kaniyang Instagram Stories. Ang Sparkle Assistant Vice President for Talent Management na si Ms. Joy Marcelo ay nagbigay naman ng GMA plaque para kay Andrei.
Si Andrei ay pumanaw sa edad na 17 years old. Nasawi rin ang mga kasama niyang sina Paolo Bueza at Arman Velasco.
Kasama rin nila sa aksidente ang Sparkle artist na si Josh Ford. Siya ang nag-iisang nakaligtas sa nangyaring car accident.