GMA Logo sparkle celebrities
Source: Vince Maristela / vincemaristela (IG), Michael Sager / michaelsager_ (IG) & Rodjun Cruz / rodjuncruz (IG)
What's Hot

Sparkle stars, ipinasilip ang kanilang summer getaways

By Faye Almazan
Published May 17, 2026 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Qantas flight diverted after man bites flight attendant
NBI, PNP enter steel mill firm in MisOr; workers stage rally

Article Inside Page


Showbiz News

sparkle celebrities


Nagbigay rin ng summer beauty tips ang ilan sa mga beauty queens.

Kanya-kanya ang mga plano ngayong summer ng Sparkle stars. Ang iba sa kanila ay nagpupunta sa beach to beat the heat, samantalang ang iba naman ay nagta-travel abroad kasama ang kanilang pamilya.

Sa 24 Oras report ni Athena Imperial noong Sabado, May 16, ipinasilip ng ilang Kapuso stars ang kanilang fun summer getaways.

Si Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemate Vince Maristela ay nasa “island state of mind” dahil muli itong bumalik sa isla ng Siargao.

Kasama rin ni Vince ang kanyang co-housemate na si AZ Martinez sa pictures na shinare niya sa Instagram.

A post shared by Vince Maristela (@vincemaristela)

Lumipad naman sa Singapore si Michael Sager at nag-post sa Instagram ng mga photos mula sa kanyang weekend getaway.

“[M]y type of weekend,” ani Michael sa post.

A post shared by Michael Sager (@michaelsager_)

Paris, France, ang naging next family destination nina Rodjun Cruz at Dianne Medina, kasama ang kanilang mga anak na sina Joaquin at Isabella.

Sa isang Instagram post ay ipinamalas pa ng mag-asawa ang kanilang dance moves sa harap ng Eiffel Tower.

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)

Samantala, ibinahagi rin ng ilang beauty queens ang kanilang summer beauty tips bukod sa staying hydrated sa report ni Athena.

Hinighlight ni Gazini Ganados ang importansiya ng paggamit ng sunblock araw-araw, samantalang paalala naman ni Bianca Manalo na palaging magsuot ng comfortable clothes at mag-shower sa umaga at sa gabi bago matulog.

“Stay indoors dahil 'dun may aircon,” naman ang sagot ni MJ Lastimosa. Isa pa sa beauty tips ni MJ ay ang paggamit ng blotting sheets sa pag-touch-up, lalo na kung feeling oily na ang T-zone.

RELATED GALLERY: Celebrity moms heat up summer with chic bikini looks