
Parte ang ilang Sparkle stars tulad ng Maria Clara at Ibarra stars na sina Barbie Forteza at David Licauco, Voltes V: Legacy star Martin Del Rosario, komedyante at Bubble Gang star na si Betong Sumaya, at Kapuso star and host Maey Bautista sa anti-scam campaign na “Maging listo. Huwag magpaloko.”
Dahil sa ilang napapabalitang scams o budol kung saan ilang mga Pilipino ang nawalan ng kanilang pera sa banko, nakipagtulungan ang BPI sa GMA Network na palawakin ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga scams na ito, at kung ano ang maaaring mangyari.
Sa tulong ng GMA New Media, nag-produce ang GMA ng mga campaign videos na ayon kay GMA Network Head of Corporate Affairs Angel Javier Cruz, ay paraan para ma-educate ang publiko para maging ligtas online.
“We need to arm the audience with tools and information to navigate mediated experiences and discern fact from fake. We hope to help Filipinos build a digital defense against these cyber attacks,” sabi nito sa isang anti-scam media conference noong May 5.
Samantala, sa isang video message, ipinahayag ng mga Sparkle artists na sina Martin, Barbie, at David kung gaano sila kasaya maging parte ng advocacy.
Ayon kay Martin, “Masayang-masaya ako na naging parte ako nitong advocacy kasi at least magiging part na ako ng pag share ng awareness sa publiko, lalo na sa usong uso 'tong cyber crime na 'top e, 'yung ang daming nabubudol, mga ganyan.”
Dagdag pa nito, “I'm very proud na I'm part of this. I've been doing villain roles naman pero ito 'yung role na dapat hindi niyo tatangkilikin kasi bad 'yan, bad 'yang mga scam.”
Ayon naman sa Pambansang Ginoo na si David, bilang isang business owner at artista, nakaugalian na niya i-share ang OTP niya sa mga managers at marketing team niya.
“I'm super happy and blessed na I was chosen for this partnership. Plus, as business owner, I usually tend to share my OTP to my manager, to my marketing program, kasi parang sometimes when I'm busy, para sila na 'yung gagawa,” sabi nito.
“But I realize na to never share your OTP 'cause it's like sharing the keys to your house,” aniya.
Para naman kay Barbie, pakiramdam daw niya ay responsable siya “dahil naging part ako ng awareness na ito.”
“Alam naman natin ngayon, marami na talagang nasa-scam. Very timely din talaga makagawa ng ganitong klasing campaign and I'm so happy to be part of it,” pagbabahagi niya.
Samantala, nag-share naman ng “Cyber securitips” sina Maey at Amazing Betong para maiwasan ang ma-scam at isa sa pinaka iportante nilang tips ay “Never share your one-time pin or OTP.”
“'Wag na 'wag niyo ibigay kahit kanino, kahit parang taga-banko pa 'yung boses o 'yung kausap niyo,” sabi ni Maey.
Ipinaalala naman ni Betong na dapat maging updated ang mga tao sa balita para malaman ang mga bagong scams o modus upang maging handa sakaling makaharap ang mga ito.
TINGNAN ANG ILANG MGA CELEBRITIES NA MAY KANI-KANILANG MGA ADVOCACIES DITO: