
Nanalanta kamakailan ang bagyong Carina kung saan marami ang naapektuhan. Kaya naman nagtulong-tulong ang GMA Kapuso Foundation at ilang Sparkle stars sa pag-repack ng relief goods na ipapamahagi sa mga Kapusong nasalanta ng bagyo.
Sa panayam ng ilang Sparkle stars kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Huwebes, July 25, sinabi nilang nag-volunteer sila sa pagre-repack para sa maliit na paraan ay makapgbigay sila ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Ani Elijah Alejo, “It's our way of giving back po sa mga Kapuso na lagi po tayong sinusuportahan.
Kasama rin ni Elijah sina Kim Perez, Shuvee Etrata, at Olive May. Si Ashley Ortega, na kahit may mga kamag-anak na sa Cainta na binaha rin, ay tumulong pa rin sa pagre-repack ng relief goods.
Kuwento ng Pulang Araw star, “They stayed na lang sa second floor. Though they're safe naman, 'yun nga lang may mga gamit talaga na nasira.”
Dahil dito, mas naiintindihan nila kung gaano kahalaga ang pagtulong.
“Kasi as much as possible, if I'm capable to help other people, I'm always willing to help,” sabi ni Shuvee.
Tumulong rin ang TiktoClock hosts na sina Faith Da Silva at Jayson Gainza sa volunteers. Sabi ng aktres tungkol sa ginawa nilang pagtulong, “Siguro ito na lang 'yung maliit na bagay na puwede naming gawin para makatulong sa kanila bukod sa aming mga panalangin.”
TINGNAN ANG PAGTULONG NG ILANG CELEBRITIES SA MGA NASALANTA NG BAGYO SA GALLERY NA ITO:
Kasama rin nila ang ilang reservists ng Philippine Army, kabilang na ang aktor at singer na si Ronnie Liang.
Sabi ng aktor, “Masarap sa pakiramdam 'pag nakakatulong kasi ang reservist po kasi, volunteer, walang suweldo, pero ito po 'yung paglilingkod na wala kaming ine-expect na ano mang kapalit.”
Nakasama rin nila ang iba pang Sparkle artists tulad nina Rocco Nacino, Kirst Viray, Angel Leighton, at AZ Martinez sa pag-repack ng relief goods.
Shifting din ang schedule ng volunteers na nagbabalot at nagre-repack ng relief goods. Pagkatapos ng Army reservists at Sparkle artists, volunteers naman mula sa Civil Military Operations Group ng Philippine Navy ang humalili sa kanila.
Panoorin ang kanilang panayam dito: