GMA Logo sparkle sweethearts
What's Hot

Sparkle Sweethearts, ibinahagi ang nakakakilig na qualities ng kanilang on-screen partners

By Aedrianne Acar
Published February 19, 2022 10:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

sparkle sweethearts


Mas lalong kilalanin ang next big love teams ng Kapuso Network, ang Sparkle Sweethearts na maghahatid kilig ngayong 2022.

Mas lalong kaabang-abang ang mga Kapuso shows this 2022, dahil opisyal na ipinakilala ng Sparkle ang limang up and coming love teams na mas magbibigay kulay sa showbiz.

Parte ng Sparkle Sweethearts sina Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Abdul Raman, at Shayne Sava.

Kabilang din sa Sparkle Sweethearts ang Prima Donnas stars na sina Althea Ablan at Sofia Pablo with their on-screen partners Allen Ansay at Bruce Roeland.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa Chika Minute kagabi, February 19, kinumusta nito ang naging Valetine's Day celebration nina Mavy at Kyline.

Espesyal ang surprise ng Kapuso heartthrob sa pretty actress na pinuntahan pa niya mismo sa Tagaytay, kung saan kasama nito ang pamilya sa Tagaytay.

Saad ni Mavy, “Success 'yung surprise. 'Yan 'yung pinaka-importante 'yung successful 'yung surprise as in in the middle of her vlog shoot nag-appear lang ako.

Ramdam naman ang kilig kay Kyline nang balikan ang mga nangyari noong Araw ng mga Puso. Sabi nito, “Ang sarap nung sa pakiramdam nung Valentine's and I can confidently say na 'yun 'yung pinakamasayang Valentine's ever ko, kasi kumpleto lahat e.”

Ibinahagi naman ng Sparkle beauty na si Zonia Mejia ang qualities na pinakagusto niya sa kanyang kapareha na si Jamir Zabarte.

Kuwento ni Zonia kay Tito Lhar, “[Ang] protective ni Jamir lalo sa akin kapag magkasama kami na gusto niya okay ako, 'yung damit ko ba okay ba.

Tinuturing naman na inspiration ni Jamir ang pretty actress. “Inspirational, kasi si Zonia po 'yung nakakapag-inspire sa akin, siya 'yung dahilan kung bakit ako nagmo-move forward.”

Nakakakilig din ang pagsasalarawan ni Abdul Raman sa kanyang Legal Wives co-star na si Shayne Sava.

Pagbibida ni Abdul, “She's just always there for me para kung masyado ako seryoso. She makes me happy, she's everything that's not me, which I find comforting.”

Ano naman kaya ang best qualities ni Abdul para kay Shayne Sava?

“Sobrang deep person po talaga niya, as in matalino siya and all that.”

Source: sparklegmaartistcenter (IG)

Paano naman ang naging Valentine's celebration nina Sofia Pablo, Allen Ansay, Althea Ablan at Bruce Roeland?

Panoorin ang buong report ng Chika Minute sa video below.

Basahin ang ilang trivia tungkol sa multi-talented Sparkle Sweethearts sa gallery sa baba.