GMA Logo Sparkle U Frenemies
What's on TV

'Sparkle U: #Frenemies,' magbabalik sa GMA sa December 20

By Karen Juliane Crucillo
Published December 18, 2025 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - NBI serves warrant of arrest against Sarah Discaya today, Dec. 18, 2025 | GMA Integrated News
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Sparkle U Frenemies


Mapapanood muli ang 'Sparkle U: #Frenemies' simula Sabado ngayong December 20!

Mapupuno muli ng kuwentong pagkakaibigan at drama tuwing Sabado dahil magbabalik ang youth-oriented anthology Sparkle U: #Frenemies!

Para sa unang istorya ng Sparkle U, pagbibidahan nina Shayne Sava at Abdul Raman ang #Frenemies.

Si Shayne ay bibida bilang Bekang, ang bagong lipat sa Sparkle U. Siya ay may bibo at bubbly na personalidad, ngunit mayroon din siyang mabigat na dinadalang problema mula nang siya ay maging ulila sa kanyang ina.

Samantala, si Abdul naman ay gaganap bilang Drake, ang social media influencer na halos “curated” ang kanyang buhay, mapa-online man o offline. Ngunit sa likod ng ganitong klaseng pamumuhay, nawawalan na siya ng gana sa mga bagay na kinalakihan niya.

Paano kaya magkakatagpo ang landas nina Bekang at Drake?

Makakasama rin nina Shayne at Abdul sina Zephanie, Roxie Smith, Anjay Anson, Michael Sager, Lauren King, at Vanessa Peña.

Abangan ang mga kaganapan sa Sparkle U: #Frenemies ngayong Sabado, December 20, 4:45 p.m. sa GMA.

Samantala, kilalanin dito ang iba pang cast ng Sparkle U: #Frenemies: