
Kung ikaw ay mahilig sa mga ultimate favorite tugtugan, hugot anthems, at kilig moments, may sorpresang hatid ang GMA dahil nagbabalik ang youth-oriented anthology Sparkle U: #SoundTrip!
Samahan muli sina Michael Sager bilang Marco at Zephanie bilang Sue sa pagharap sa mga problemang nararanasan ng mga kabataan ngayon.
Sa college life ni Sue, magiging parte siya ng Sparkle Symphony na magiging daan niya patungo sa kasikatan. Ngunit, mukhang mag-di-disband na ang Sparkle Symphony.
Dito papasok si Alyssa (Althea Ablan) na i-re-recruit ni Sue para maisalba ang grupo.
Si Alyssa ay isang senior high student na mahilig kumanta at magsulat ng kanta. Subalit hindi malaman ni Alyssa kung susundin niya ba ang kanyang passion o ang kagustuhan ng kanyang mga magulang.
Bukod sa pagiging abala ni Sue na mailigtas ang Sparkle Symphony, mayroon rin siyang pagtingin kay Marco na isang architecture student.
Maililigtas kaya ni Sue ang Sparkle Symphony? Ano na rin kaya ang mangyayari sa relationship status nila ni Marco?
Abangan ang mga kaganapan sa Sparkle U tuwing Sabado, February 8, 9:30 p.m. hanggang 10:15 p.m. sa GMA.
Samantala, kilalanin dito ang iba pang cast ng Sparkle U: #SoundTrip: