
May isa na namang koneksyon ang Kapuso Network sa Miss Universe Philippines pageant dahil isa sa mga executives ng kompanya ay parte ng preliminary selection committee ng pageant.
Ang announcement ay ginawa ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang official Instagram account. Ayon sa kanila, si First Vice President Joy Marcelo ay parte ng selection committee ng preliminary competition ng pageant. Sa kanilang post, nag-upload ang Sparkle ng larawan ni Joy kasama ang mga pageant executives.
Si Joy Marcelo ay isa lamang sa mga koneksyon ng Kapuso Network sa Miss Universe Philippines pageant. Si Roxie Smith ng Kapuso Network ay kasali sa mga delegado sa Miss Universe Philippines pageant, at kinoronahan at nilagyan ng sash sa The Proscenium sa Rockwell, Makati.
Simula sa announcement niya bilang 2026 Miss Universe Philippines Baguio, si Roxie ay naging parte na ng Panagbenga Float Parade ngayong taon, kung saan nasa float siya na ipinagdiriwang ang 30th year ng Panagbenga Festival.
Ang selection committee kung saan parte si Joy ay huhusga sa 50 kandidata, pagkatapos i-anunsyo ng Miss Universe Philippines organization na tinanggal nito ang isa sa mga kandidata (https://www.gmanetwork.com/lifestyle/news/131776/miss-universe-philippines-organization-announces-the-removal-of-one-of-its-delegates/story) dahil sa “certain behaviors” na di umano'y pingsabihan na siya para ma-address ang sitwasyon.
Gaganapin ang Miss Universe Philippines coronation night sa May 1, 2026, sa SM Mall of Asia Arena. Sa kanilang post, sinabi ng organization na antabayanan ang mga detalye kung paano makakuha ng tickets.
Mga dalawang linggo na mula nang mangyari ang Miss Universe Philippines swimsuit show sa Aqua Boracay Bulabog Beach.
Nitong nakaraaang buwan ay ipinresenta ng Miss Universe Philippines organisasyon sa press. Kasama sa schedule nila ang parada sa SM Mall of Asia Arena at press presentation sa City of Dreams.