What's on TV

Spend a fiery afternoon with the cast of 'Pyra Babaeng Apoy'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 22, 2020 2:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Ja Morant denies rift, will 'live with' trade if Memphis pulls trigger
January 15, 2026: One Western Visayas Livestream
The Miss World Philippines candidates are pretty in pink

Article Inside Page


Showbiz News



Painitin ang inyong hapon kasama ang cast ng ‘Pyra Babaeng Apoy’ na sina Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Elle Ramirez, Zandra Summer at Teejay Marquez sa kanilang first-ever live chat sa GMANetwork.com ngayong Huwebes, November 28, 2013, 3pm-5pm (Philippine time).

Painitin ang inyong hapon kasama ang cast ng ‘Pyra Babaeng Apoy’ na sina Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Elle Ramirez, Zandra Summer at Teejay Marquez sa kanilang first-ever live chat sa GMANetwork.com ngayong Huwebes, November 28, 2013, 3pm-5pm (Philippine time). 

Nahiwalay si Pyra (Thea Tolentino) sa kanyang tunay na mga magulang na sina Ramon at Barbara nang siya ay isinilang. Kinupkop siya ni Merly at ito ang kanyang kinilalang ina. Pilit ikinukubli ni Merly ang katotohanan kay Pyra na anak siya nina Ramon at Barbara. Malalaman pa ba ni Pyra ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao? May pag-asa pa bang makasama niya ang tunay niyang mga magulang?

Nagkagusto si Jeffrey (Jeric Gonzales) kay Pyra dahil sa magandang kalooban nito. Ngunit magkakaroon din ng pagtingin si Cindy (Elle Ramirez) kay Jeffrey kaya kamumuhian niya si Pyra na tunay na iniibig ni Jeffrey. Saan hahantong ang galit ni Cindy para kay Pyra? At si Jeffrey, maipaglalaban niya ba ang kanyang nararamdaman para kay Pyra?

Maliban kay Jeffrey, nahulog din ang loob ni Beto (Teejay Marquez) kay Pyra dahil sa kakaiba nitong katangian. Hinangaan ni Beto ang pagiging mabait ni Pyra bukod sa kanyang angking kagandahan. Ano ang kanyang gagawin kapag nalaman niya na may karibal siya sa puso ni Pyra? Magpaparaya kaya siya o handa niyang gawin ang lahat makuha lang ang nag-aalab na puso ni Pyra?

Isang mabuti at matalik na kaibigan ni Pyra si Ena (Zandra Summer). Siya ang laging nasa tabi ni Pyra ng panahong may pinagdadaanan itong problema. Mapapanatili pa rin kaya niya ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa huli? May alam din kaya si Ena sa tunay na pagkatao ni Pyra o maging siya ay pipipiliin ding itago ang katotohanan para hindi masaktan ang kanyang matalik na kaibigan?

Alamin ang naglalagablab na pagwawawakas mula mismo sa cast ng Pyra Babaeng Apoy na sina Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Elle Ramirez, Zandra Summer at Teejay Marquez. Mag-log on lang sa  GMANetwork.com/livechat para makasali sa exclusive event na ito.

--Text by Eunicia Mediodia, GMANetwork.com.