
Ipinasilip ni Sandra Aguinaldo sa 24 Oras kagabi, December 12, ang mga dapat abangan sa four-part original online series ng GMA Public Affairs at YouTube na Pinoy Christmas In Our Hearts.
Layon nitong bigyang katuparan ang hiling ng ilang OFW na makasama ang kanilang pamilya ngayong Pasko matapos ang ilang taong malayo sa kanila.
Isa na riyan ang Streetboys dancer na si Sphencer Reyes.
Taong 2008 noong nag-migrate siya sa United Kingdom at kalaunan naging bus driver sa Scotland.
Dahil dito, ilang Pasko nang hindi nakakasama ni Sphencer ang mga magulang niya rito sa Pilipinas.
"Seven years ko silang 'di nakita, nami-miss ko pa rin [ang] nanay ko...Sana makauwi ako ng Pilipinas to prove to them na mahal na mahal ko sila," umiiyak na sabi ni Sphencer.
Tinupad naman ng Pinoy Christmas In Our Hearts ang wish ni Sphencer na maranasan muli ang Paskong Pinoy.
Emosyonal naman siyang sinalubong ng kanyang mga magulang nang sorpresahin niya ang mga ito ng kanyang pag-uwi.
Tampok din sa Christmas series ang iba pang OFW vloggers na makakauwi na sa Pilipinas na makaka-collab pa ang mga kilalang content creator sa bansa tulad nina Small Laude, Ninong Ry, Herlene Budol, at ang KMJS host na si Jessica Soho.
Umawit naman ang Kapuso singer na si Zephanie ng sarili niyang rendition ng "Christmas In Our Hearts."
Mapapanood ang Pinoy Christmas In Our Hearts sa GMA Public Affairs YouTube channel worldwide simula ngayong December 13.
Panoorin ang buong ulat ni Sandra Aguinaldo sa video sa itaas.
Marami na rin ang mga artistang mas piniling iwan ang kanilang buhay showbiz sa Pilipinas at magbagong buhay abroad.
HETO ANG ILANG PINOY CELEBRITIES AND PERSONALITIES NA NAKAHANAP NA PANIBAGONG SIMULA SA IBANG BANSA: