Ano ang naging reaksyon ng beteranong DJs nang makilala nila si Yaya Dub?
By AEDRIANNE ACAR
Super na-starstruck ang mga radio hosts na sina Nicole Hyala at Chris Tsuper nang ma-meet nila ang Eat Bulaga kalye-serye queen na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.
Sa post ng radio host na si Nicole sa Instagram kahapon (November 22), masaya raw siya dahil nakapagpa-selfie siya kay Maine. Kuwento pa nito, super kinabahan daw ang kaibigan niyang si Chris Tsuper nang makita si Menggay.
“The day the Tambalan met Yaya. Sa 11 years na kasama ko si Chris Tsuper, first time ko siya nakitang manginig ng dahil sa isang celebrity. Nastarstruck kami pareho kay Yaya e. Danda babae! Bait pa! @mainedcm @christsuper907,” ani Nicole.
May post din si Nicole Hyala na short video sa Instagram ngayong Lunes (November 23). Sa sobrang pagka-fan girl niya kay Maine ay nagawa niyang buhatin ang magandang dalaga.