Watch the acoustic version of 'Pag-ibig' by Sponge Cola.
By AL KENDRICK NOGUERA
Kasabay ng launch ng pinakabagong GMA show na Dangwa ang pagsikat ng official soundtrack nitong 'Pag-ibig' na kinanta ng bandang Sponge Cola.
Kahapon ay nag-upload ang Sponge Cola ng isang Facebook video kung saan mapapanood silang kinakanta ang acoustic version ng 'Pag-ibig' habang nasa loob ng umaandar na sasakyan.
Nilinaw ng Sponge Cola na hindi sila lumalabag sa batas sa kanilang video at inilagay sa description ang disclaimer na ito: "Yael wasn't driving in this video."