GMA Logo Sunod, Bahay na Pula in I Heart Movies digital channel
What's on TV

Spooky films, hatid ng I Heart Movies ngayong Halloween

By Marah Ruiz
Published October 29, 2024 5:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cardinal David: Show kindness, compassion
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Sunod, Bahay na Pula in I Heart Movies digital channel


Hatid ng I Heart Movies ang ilang spooky films ngayong Halloween.

Ilang nakakakilabot na mga pelikula ang hatid ng digital channel na I Heart Movies ngayong linggo ng Halloween.

Isa na riyan ang horror drama movie na Sunod, starring Carmina Villarroel.

Kuwento ito ng single mother na may bedridden na anak kaya mapipilitan siyang pumasok sa isang entry-level position sa call center. Mahirap na nga ang trabaho dahil sa graveyard shifts pati na sa mga asal ng mga katrabaho niya, guguluhin pa ang kanyang isip ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang opisina.

Abangan ang Sunod, November 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Huwag din palampasin ang horror movie na Bahay na Pula, mula sa award-winning director na si Brillante Mendoza.

Pinagbidahan ito nina Julia Barretto, Xian Lim, at Marco Gumabao, tungkol ito sa isang babae na uuwi sa probinsiya para i-demolish ang kanilang ancestral house.

Sa muli niyang pagbisita sa bahay, makakaranas siya at kanyang asawa ng mga hindi maipaliwanag na bagay.

Abangan ang Bahay na Pula, November 2, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.