
It's Halloween kaya naghanda ng mga spooky movies ang digital channel na I Heart Movies ngayong linggo!
Isa na riyan ang 2019 film na Sunod na pinagbidahan ni Carmina Villarroel.
Gaganap siya rito bilang single mother na si Olivia.
Dahil bedridden at may sakit ang kanyang anak, mapipilitan siyang pumasok sa isang entry-level position sa call center.
Mahirap na nga ang trabaho dahil sa graveyard shifts pati na sa mga asal ng mga katrabaho niya, guguluhin pa ang kanyang isip ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang opisina.
Abangan ang Sunod, October 31, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Para naman sa mga mahilig sa horror-comedy, nariyan ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim na pinagbidahan ni actor-comedian Vhong Navarro.
Muling gaganap si Vhong sa pelikula bilang ang albularyong si Mang Kepweng. Gamit ang kanyang mahiwagang bandana, patuloy na nanggagamot ng iba't ibang mga karamdaman si Mang Kepweng.
Pero biglang hihina ang bisa ng kanyang bandana. Paano niya maibabalik ang dating kapangyarihan nito?
Huwag palampasin ang Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim, November 1, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.
Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available rin ito sa iba pang digital television receivers.