What's Hot

Spooky Nights Presents Orasyon

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 26, 2020 9:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

24 Oras Weekend: (Part 4) January 17, 2026
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Panoorin sina Louise delos Reyes at Alden Richards kasama ni Ces Quesada sa bagong yugto ng Spooky Nights. 
Apat na taong nawala si Donna (Louise delos Reyes) sa kanilang baryo. Ngayong nakatapos na siya sa pag-aaral sa kolehiyo ay muli siyang nagbabalik sa ISLA ITIM, ang isla o baryong kanyang kinalakihan, mayaman ang dagat, masayahin, madasalin at nagkakaisa ang bawat naninirahan dito...pero noon yun...
 
Dahil sa pagbabalik ngayon ni Donna, marami na ang nagbago sa baryo, nawala na ang kapilya rito, hindi na rin masayahin ang mga tao rito. Ang masasaksihan ngayon ni Donna ay ang mga kababaryo niyang parang mga walang buhay, madasalin pero isang nakakahilakbot na orasyon ang kanilang inuusal...
 
Ang lalo pang pinagtatakhan ni Donna, pati ang kanyang mga magulang ay nagbago na rin....Pero hindi maikakailang nananaig pa rin kina Aling Biring (Ces Quesada) at Mang Berto (Edwin Reyes) ang pagmamahal nila sa nag-iisa nilang anak na si Donna.
 
Kaya sa pag-uwi ni Donna, marami siyang mga bagay na matutuklasan at ikagigimbal niya, lalo na ng makita niya ang kanyang kababatang si Ringgo (Alden Richards) na may lihim na pagtingin sa kanya. Pilit siyang binalaan ni Ringgo na umalis na sa baryo nila pero hindi ito maintindihan ng dalaga.
 
Ano kaya ang magaganap? Alamin sa Spooky Nights: Orasyon.