GMA Logo Lydia de Vega death
Celebrity Life

Sports legend Lydia de Vega, pumanaw na matapos ang pakikipaglaban sa breast cancer

By Aimee Anoc
Published August 11, 2022 10:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Philippines at the 2025 SEA Games: List of gold medalists
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Lydia de Vega death


Ayon sa anak ni Lydia de Vega na si Stephanie Mercado de Koeningswarter, "She fought the very good fight and is now at peace."

Pumanaw na ang sports icon at track legend na si Lydia de Vega sa edad na 57, matapos ang apat na taong pakikipaglaban sa breast cancer.

Inanunsyo ni Stephanie Mercado de Koeningswarter, dating volleyball player, nitong Miyerkules ng gabi, August 10, ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang ina.

Aniya, "On behalf of our family, it is with absolute grief that I announce the death of my mother, Lydia de Vega this evening, August 10, 2022, at the Makati Medical Center.

"She fought the very good fight and is now at peace."

Noong Hulyo 20 nang isapubliko ni Stephanie ang kritikal na kondisyon ng ina at humingi ng tulong para sa pakikipaglaban ni Lydia sa stage 4 breast cancer.

Isa si Lydia sa pinakatanyag na manlalaro ng bansa at tinaguriang "Asia's Fastest Woman" noong dekada '80.

Huling nakita si Lydia sa pagsisimula ng Southeast Asian Games noong 2019 kung saan nakasama niya ang iba pang kilalang manlalaro ng bansa.

BALIKAN ANG NAGING KARERA NI LYDIA DE VEGA RITO: