
Kasama si Alessandra sa pelikulang "Hele sa Hiwagang Hapis" kung saan tampok din ang mga Kapamilya leading men na sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.
By MARAH RUIZ
Kasalukuyang nasa Berlin, Germany si Kapuso actress Alessandra de Rossi para sa screening ng pelikulang "Hele Sa Hiwagang Hapis."
Itinanghal ang nasabing pelikula sa Berlinale o ang Berlin International Film Festival na nagsimula noong February 11 at magtatapos sa darating na February 21.
Ang "Hele sa Hiwagang Hapis" ay kuwento ng iba't ibang taong naghahanap sa katawan ng bayaning si Andres Bonifacio. Idinirehe ito ng batikang direktor na si Lav Diaz at umani ng pansin dahil sa haba nitong higit walong oras.
Kasama ni Alessandra sa pelikula ang mga Kapamilya leading men na sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.
Lumahok ang "Hele sa Hiwagang Hapis" sa kumpetisyon para makuha ang Golden Bear Award, na inihahandog sa pinakamagandang pelikula sa Berlinale.