GMA Logo Daddy s Gurl episode
What's on TV

Stacy, tutuloy ba sa plano niya na magpa-tattoo?

By Aedrianne Acar
Published October 20, 2020 4:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Daddy s Gurl episode


Excited na si Stacy (Maine Mendoza) na magpa-tattoo kay Ms. Hannah (Tuesday Vargas), kaso magbago kaya ang isip niya kapag nalaman nito na nasa ospital ang kanyang Tatay Barak (Vic Sotto ) at baka kailangan salinan ng dugo. Abangan ang mangyayari sa 'Daddy's Gurl' this October 24!

May cool factor para sa isang babae na magkaroon ng tattoo sa katawan, kaya itong si Visitacion, game na magpalagay kay Ms. Hannah.

Ang problema hindi siya makapagdo-donate ng dugo pansamantala na sumabay sa pagkaka-ospital ni Barak na at suspected na dengue ang sakit niya.

Tumuloy kaya ang only girl ni Barak na magpa-tattoo o mas pipiliin nito na ipagpaliban ang plano para siguradong makapag-donate siya ng dugo sa kanyang daddy kung kinakailangan?

Huwag palagpasin ang good vibes na hatid nina Barak at Stacy sa Daddy's Gurl sa darating na Sabado sa bago nitong timeslot 9:30 PM, after #MPK (Magpakailanman).

RELATED CONTENT:

'Daddy's Gurl' stars mark the second anniversary of their show!