
Sa episode 25 ng Stairway To Heaven, kinuwestiyon ni Cholo (Dingdong Dantes) ang pagiging overprotective ni Charlie (TJ Trinidad) sa kanyang girlfriend na si Jenna (Rhian Ramos), dahil malakas ang kanyang hinala na may tinatago ito.
Maging si Jenna ay nagulat sa mga ikinikilos ng kanyang nobyo kaya naman hindi nya naiwasang pagdudahan ang mga salitang binitawan nito tungkol sa kanyang pagkatao.
Napagtanto rin ng dalaga na may mas malalim na dahilan ang pagmamalasakit ni Cholo kaya minabuti niyang huwag na itong iwasan.
Balikan ang eksenang 'yan dito:
Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.
Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.