GMA Logo Rhian Ramos and TJ Trinidad
What's on TV

Stairway to Heaven: Epekto ng aksidente kay Jodi

By Jansen Ramos
Published May 30, 2020 10:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Haze in Crete island caused by sand dust from Sahara
Flood-resistant building na ipinatayo ng GMAKF sa Malitbog E.S., pinasinayaan | 24 Oras
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos and TJ Trinidad


Nakaligtas si Jodi mula sa aksidente ngunit, sa kasamaang palad, nagkaroon ito ng epekto sa kanyang memorya.

Sa ika-sampung episode ng Stairway To Heaven, nagkaroon ng amnesia si Jodi (Rhian Ramos) sanhi ng aksidente.

Imbis na sabihin ang totoo, kinuha ni Tristan (TJ Trinidad) ang pagkakataong ito para bigyan ang una ng bagong identity at pinangalanan siyang Jenna.

Naging kasabwat pa niya ang kanyang kapatid na si Eunice (Glaiza De Castro) dahil sa kagustuhang mapalapit kay Jodi.

Balikan ang mga eksenang 'yan dito:

Muling ipinapalabas ang Stairway To Heaven bilang pansamantalang kapalit ng Prima Donnas.

Ito ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2009 drama series, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Samantala, maaaring mapanood ang full episodes ng Prima Donnas at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.