
Nabawi man nina Stacy (Maine Mendoza) at Barak (Vic Sotto) ang Star Barak's, para naman silang pinagsakluban ng langit nang makita nila ang maduming hitsura nito.
Kaya naman maglalaban-laban sina Ed Caluag, Jujubi, at Tangerine para malaman kung kaninong plano ang gagamitin para sa makeover ng coffee shop ng mga Otogan.
Alamin kung sino sa tatlo ang nagwagi sa November 30 episode ng Daddy's Gurl.