GMA Logo Stars on the Floor
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

'Stars on the Floor' 2026, mapapanood na ngayong gabi sa GMA Prime at online!

By Karen Juliane Crucillo
Published February 15, 2026 11:53 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kenneth Medrano, ibinahagi ang mabigat na pinagdadaanan sa buhay
Fire razes over 100 stilt houses in Basilan

Article Inside Page


Showbiz News

Stars on the Floor


Huwag palampasin ang premiere ng 'Stars on the Floor' 2026 mamayang 7:15 p.m. sa GMA Prime.

Mga Kapuso at Dance Universe, handa na ba kayo sa pagbabalik ng ultimate dance reality competition, Stars on the Floor 2026?

Mapapanood na mamaya ang pinakabagong COLLABanan sa Sayawan na tiyak magpapaindak muli tuwing Linggo.

Matutunghayan sa season 2 ang level-up performances kasama ang celebrity at P-pop dance stars.

Kasama sa lineup ng P-pop dance stars sina 1st.One Joker, Calista Denise, KAIA Sophia, HORI7ON Jeromy, at Alamat Jao.

Samantala, makikilala pa lang mamaya ang lineup ng celebrity dance stars, na binubuo ng isang Kapuso leading man, award-winning actress, dance royalty heir, Asian Idol, at isang former OG girl group member, ayon sa inilabas na teaser ng programa.

Mapapanood na rin si Rayver Cruz bilang bagong miyembro ng dance authority kasama sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Dance Trend Master Coach Jay.

Si Asia's Multimedia Star Alden Richards naman ang magsisilbing host ng Stars on the Floor 2026.

Abangan ang world premiere ng Stars on the Floor 2026 mamayang 7:15 p.m. sa GMA Prime.

Bukod sa telebisyon, mapapanood din ang serye online via Kapuso Stream sa Facebook at YouTube.

RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor 2026': Introducing the P-pop dance stars