
May magbabalik sa dance floor ng Stars on the Floor, kasama ang current dance star duos ngayong Season 2.
Sa May 24 episode, makakasama ng dance star duos ang former dance stars mula Season 1 ng competition upang mas lalo pang maging exciting ang bawat performance ngayong papalapit na ang finale.
Magiging trio ang COLLABanan dahil bawat duo ay may makakasamang isang former dance star na mas magpapainit ng kanilang performance.
Narito ang magiging pairings para sa #SOTFTrioLabanan episode:
Si VXON Patrick ay naging bahagi ng celebrity dance stars lineup noong Season 1 ng dance show. Samantala, sina JM, Zeus, Joshua, at Kakai naman ay kabilang sa digital dance stars lineup.
Abangan ang kanilang high-energy performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang celebrity at digital dance stars noong Season 1 ng Stars on the Floor: