GMA Logo SOTF poster
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

'Stars on the Floor,' may bagong dance pairings at mas matindi ang collabanan

By Karen Juliane Crucillo
Published July 18, 2025 7:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

SOTF poster


Magkakaroon ng bagong partner ang dance star duos sa 'Stars on the Floor' ngayong Sabado, July 19.

Sa pagbabalik ng Stars on the Floor ngayong Sabado, July 19, humanda na sa bagong dance pairings na hatid ang all-out hatawan!

Sasabak na ang celebrity at digital dance stars na may panibagong partners sa ikatlong linggo ng naturang show.

Ang mga bagong dance star duos na aabangan ngayong Sabado ay sina Glaiza De Castro at JM Yrreverre, Rodjun Cruz at Joshua Decena, Faith Da Silva at Kakai Almeda, Thea Astley at Dasuri Choi, at VXON Patrick at Zeus Collins.

Hindi umere ang ikatlong episode ng Stars on the Floor noong July 12 para magbigay pugay sa selebrasyon ng Beyond75: The GMA Anniversary Special .

Matatandaang itinanghal si Thea at JM bilang unang top dance star duo noong pilot episode. Sina Rodjun at Zeus naman ang nagwagi bilang 2nd top dance star duo para sa ikalawang linggo.

Abangan ang Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Balikan dito ang pilot episode ng Stars on the Floor: