GMA Logo SOTF t-card
What's on TV

Stars on the Floor: Permanent dance star duos, mamaya na

By Kristine Kang
Published April 19, 2026 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ano ang ibig sabihin ng mga power alert level? | GMA News Feed
Elderly woman loses more than P50K in e-wallet modus

Article Inside Page


Showbiz News

SOTF t-card


Huwag palampasin ang ultimate reveal ng permanent dance star duos mamaya.

Mas iinit ang COLLABanan dance floor ngayong linggo sa Stars on the Floor 2026!

Isang malaking pasabog ang naghihintay sa Dance Universe dahil mabubuo na ang hinihintay na permanent dance star duos mamaya!

Mas masusubok ang husay, galing, at tiyaga ng celebrity at P-pop dance stars sa haharapin nilang matitinding challenges sa dance floor.

Abangan sina Jasmine Curtis-Smith, Rocco Nacino, Sugar Mercado, Paul Salas, at Chanty Videla sa lineup ng celebrity dance stars. Habang sina KAIA Sophia, Calista Denise, HORI7ON Jeromy, Alamat Jao, at 1st.One Joker sa P-pop dance stars lineup.

Maaaring bumoto ang Dance Universe ngayong Linggo (April 19) kung sino ang duo na nakapagpabilib sa kanila sa bawat episode sa GMANetwork.com/SOTFVote. Magbubukas ito tuwing 6:50 p.m. at magtatapos tuwing 8:00 p.m. Maaari ring gamitin ang QR code na makikita sa ibaba para sa pagboto.

Sino-sino kaya ang magiging final dance star pairs na maghaharapan para sa ultimate top dance star duo?

Abangan mamaya sa Stars on the Floor 2026, tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.

Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: