
Bagong "More Tawa, More Saya, More Love" episode ang hatid ng Family Feud ngayong February 11.
Maghaharap para sa Wednesday night showdown ang stars ng upcoming second season ng Stars on the Floor!
Maglalaro sa Dance Floor Royals ang actor, premier dancer, at newest "Dance Authority" na si Rayver Cruz. Kasama niya sa exciting tapatan na ito ang powerhouse lineup of P-pop royalty. Si Sophia na vocalist/ dancer ng KAIA, si Jao na main dancer at youngest member ng ALAMAT, at si Joker na Lead Vocalist ng 1st.One.
PHOTO SOURCE: Family Feud
Para naman sa PPop Dance Slayers, maglalaro ang "Dance Trend Master" at returning Dance Authority na si Coach Jay Roncesvalles. Makakasama niya ang main dancer at lead vocals ng Calista na si Denise, ang performance leader at main dancer ng HORI7ON na si Jeromy, at ang coach nina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa season ng Stars on the Floor na si Macky Quiobe.
Synchronized laughter, competitive spirit, and more ang aabangan sa Family Feud ngayong February 11, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episodes ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000!