GMA Logo SOTF ratings poster
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

'Stars on the Floor,' wagi sa ratings matapos ang 1st phase

By Karen Juliane Crucillo
Published August 22, 2025 4:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Teen from Negros Occidental turns violent after getting into online gaming
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

SOTF ratings poster


Mga Kapuso, maraming salamat sa mainit na suporta ngayong tapos na ang 1st phase at sa mga patuloy na tumututok sa mga susunod na challenges!

Tapos na ang first phase at unang challenge ng final dance star duos sa Stars on the Floor, at todo ang suporta ng mga Kapuso sa kanilang pasabog na performances.

Ayon sa Nielsen TV Audience Measurement para sa 7th episode nito noong Sabado, August 16, nagtala ang dance show ng 8.7 percent people rating sa Total Phils, habang nakapagtala naman ang katapat nitong programa ng 1.7 percent.

Matatandaang nagwagi rin ang Stars on the Floor sa ratings noong pilot episode nito noong June 28 na umabot sa 9.5 percent.

Patuloy na abangan ang mas mainit at nakaka-excite na performances ng final dance star duos sa mga susunod na episode ng Stars on the Floor, tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Samantala, tingnan dito ang mga itinanghal na top dance star duos sa Stars on the Floor: