
Mula sa pilot episode hanggang sa pangalawang linggo, hataw ang saya sa Stars on the Floor dahil maraming mga Kapuso ang nakisayaw simula pa noong June 28.
Ayon sa Nielsen TV Audience Measurement para sa 2nd episode nito noong Sabado, July 5, nagtala ang naturang dance show ng 9.4 percent people rating sa Total Phils.
Habang nakapagtala naman ang katapat nitong programa ng 2.3 percent at 5.5 percent.
Sa Urban Philippines, mas mataas pa ang naitalang people rating ng Stars on the Floor na umabot sa 9.5 percent, na muling lumamang sa mga katapat nitong programa.
Noong pilot episode, napasama ang Stars on the Floor sa Philippine Trends at umakyat ito hanggang sa No. 6.
Itinanghal na unang top dance star duo sina Thea Astley at JM Yrreverre. Samantala, para sa ikalawang linggo, sina Rodjun Cruz at Zeus Collins naman ang nagwagi at nag-uwi ng 2nd top dance star duo title.
Maki-update at panoorin ang highlights ng Stars on the Floor dito.
Patuloy na tutukan ang Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Samantala, balikan dito ang highlights ng pilot episode ng Stars on the Floor: