
Nitong August 31 at September 1 ay nagpakitang gilas ang Final 6 sa isang live musical sa StarStruck.
Sa kanilang artista test ay nag-perform live ang Final 6 sa harap ng council at live audience. Dito rin ipinaalam kina Lexi Gonzales, Pamela Prinster, Shayne Sava, Kim De Leon, Allen Ansay, at Abdul Raman na sila ay bibigyan ng isa pang chance para patunayan kung sino ang karapatdapat tawaging Ultimate Male and Female Survivors ng season 7.
Ang announcement na ito ay ikinagulat hindi lamang ng mga hopefuls kung 'di pati na rin ng judges na sina Heart Evangelista, Cherie Gil, at Jose Manalo.
Panoorin ang nangyaring announcement sa StarStruck.
May chance pa para mapanatili sa kompetisyon ang inyong favorite hopeful. Narito ang mga paraan para iboto sila via text on online votes.
WATCH: More ways to vote for your favorite 'StarStruck' survivor