
Ngayong Marso, ipagdiriwang ng Family Feud ang "Four-ever ang tawa, four-ever ang saya" 4th anniversary!
Isang engrandeng month-long celebration ang aabangan sa Family Feud dahil puno ng saya, sorpresa, at bigating papremyo ang mga episodes ngayong Marso.
Tampok sa anniversary special ang mga kaabang-abang na lineup ng celebrity players na makaka-bonding ng host na si Dingdong Dantes sa Family Feud.
Mapapanood ang It's Showtime hosts sa pangunguna ng Unkabogable Star Vice Ganda, kasama sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, Darren Espanto, Amy Perez, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, at Cianne Domingo.
Subaybayan din sa Family Feud ang cinema icons na sina Hilda Koronel kasama ang kanyang 'Sisa' co-star na si Eugene Domingo at ang classic movie co-stars na sina Dina Bonnevie, Carmi Martin, Bembol Roco, at Rez Cortez.
Ang social media superstar na si Small Laude at mga anak na sina PJ, Michael at Tim naman ang haharap sa Beks Battalion na sina Chad Kinis, MC Muah, Lassy, at Beki Velo. Abangan din ang Prima Ballerina na si Lisa Macuja kasama ang kaniyang anak at ang Ballet Manila soloists, at ang basketball heartthrob na si Ricci Rivero at kaniyang mga kapatid.
Hindi rin papahuli ang SexBomb Moms na makakatapat ang kanilang mga anak sa Family Feud stage. Kasali rin ang PBB Celebrity Collab 2.0 winners, ang lovebirds na sina Shuvee Etrata at Anthony Constantino at mga kaibigan sa modeling industry.
Para sa team bahay, malaking papremyo naman ang naghihintay sa mga susubaybay sa mas pinalawak na Guess More, Win More promo ng Family Feud.
Abangan ang pagsisimula ng Family Feud 4th anniversary celebration simula March 2, 5:40 p.m. sa GMA.