GMA Logo Gina Alajar and Phillip Lazaro
What's Hot

'Start-Up Ph' actress Gina Alajar pays tribute to Phillip Lazaro

By EJ Chua
Published July 12, 2022 5:06 PM PHT
Updated July 12, 2022 8:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Gina Alajar and Phillip Lazaro


“I love you Phi… I lost another good friend in you.” - Gina Alajar

Labis na ikinalungkot ng napakaraming celebrities ang pagpanaw ng director-comedian na si Phillip Lazaro.

Isa sa nagluluksa ngayon sa pagkawala ni Phillip ay ang Start-Up Ph actress at kilalang direktor na si Gina Alajar.

Kasunod ng malungkot na balita, isang mensahe ang inialay ni Gina para sa kapwa niya direktor na itinuring din niya bilang isang kaibigan.

Mensahe ng beteranang aktres, “I love you Phi…alam mo 'yan. I lost another good friend in you. Wala nang mang-iinggit sa akin at wala na akong iinggitin.“

“Salamat sa iyong pagmamahal na damang-dama ko kahit sandali pa lang tayo nagkasama. Rest in peace my dear friend,” dagdag pa niya.

Si Phillip ay huling napanood sa katatapos lamang na GMA drama series na Prima Donnas kung saan nakatrabaho niya si Gina Alajar.

Matatandaang nagtrabaho rin siya bilang second unit director ng Widow's Web, na kamakailan lang ay nagwakas na rin.

Samantala, silipin ang naging buhay ni Phillip Lazaro sa gallery na ito: