
Nananatiling proud at loyal Kapuso ang teen star at Start-Up PH actress na si Princess Aliyah matapos na muling pumirma ng kontrata sa Sparkle GMA Artist Center noong Nobyembre.
Simula 2018, napanood si Princess sa iba't ibang top-rating shows ng GMA tulad ng Sherlock Jr., My Special Tatay, Onanay, Daig Kayo ng Lola Ko, Magpakailanman, at Start-Up PH kung saan gumanap siya bilang young Dani na kalaunan ay ginampanan ni Kapuso actress Bea Alonzo.
Ayon kay Princess, "sobrang thankful at blessed" siya na manatiling Kapuso.
"I'm just really excited. Sana po matulungan ako ng GMA family ko po na mas gumaling pa, hindi lang sa acting pero, of course, sa mga talent ko rin," sabi ng 14-year-old actress sa interview ng GMANetwork.com.
Isa naman sa iniidolo ni Princess sa GMA na pangarap din niyang makatrabaho sa isang fantasy series ay si Primetime Queen Marian Rivera.
Kuwento niya, "Si Ms. Marian po kasi sobrang iconic n'ya po talaga and s'ya po talaga 'yung isa sa mga idol ko sa GMA."
KILALANIN ANG IBA PANG LOYAL KAPUSO STARS SA SIGNED FOR STARDOM DITO: