
Habang papalapit na nang papalapit ang pagtatapos ng GMA drama series na Start-Up PH, tila patindi nang patindi ang sakit na nararamdaman ni Danica 'Dani' Sison (Bea Alonzo).
Matapos malaman ni Dani ang buong katotohanan tungkol sa pagkukunwari nina Tristan 'Good Boy' (Alden Richards) at Lola Joy, tila gulong-gulo na ang isip ng dalaga.
Sa latest episode ng serye, kapansin-pansin na nawawala na rin siya ng gana na magpatuloy sa SandboxPH dahil sa sunud-sunod na rebelasyon na kaniyang nalaman.
Noong nakaraang linggo, matatandaan na unang umamin si Tristan kay Dani.
Kasabay ng ulan ay ang pagtulo ng mga luha nina Dani at Tristan habang sila ay nag-uusap.
Matapos umamin ng binata, si Lola Joy naman ang kinailangang harapin ni Dani upang kumpirmahin ang mga sinabi ni Tristan sa kaniya.
Nang makausap ni Lola Joy ang kaniyang apo, naramdam niya ang sakit, galit, at lungkot na nararamdaman ni Dani, ngunit ang tanging magagawa lamang niya ay tanggapin na lamang ang maririnig niya mula rito.
Malungkot na sinabi ni Dani kay Lola Joy, “Pamilya tayo 'eh, kayo lang kakampi ko… Kayo lang pinagkakatiwalaan ko, pero araw-araw nagawa ninyong magsinungaling sa akin.”
“Ang sakit sakit, pero ang pinakamasakit, 'yung nalaman ko na kayo pa ang nagsimula,” dagdag pa niya.
Sagot naman ni Lola Joy kay Dani habang siya ay umiiyak, “Ayoko lang mapahiya ka sa ate mo [Ina], kaya pinahanap ko si Dave [Davidson].”
Sa loob ng ilang buwan, buong akala ni Dani ay totoo ang lahat ng tungkol sa mentor niya na si Tristan at ang kasama niya sa SandboxPH na si Davidson 'Genius Boy' Navarro (Jeric Gonzales).
Para kay Dani, tila nasayang ang napakaraming panahon at pagkakataon para maramdaman niyang tunay na mahalaga siya para sa lalaking ka-penpal noon.
Samantala, panoorin sa video na ito kung paano inamin ni Tristan kay Dani na siya si Good Boy:
Huwag palampasin ang susunod na mga kaganapan sa Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.
SAMANTALA, TINGNAN ANG CHIC BOSS LOOKS NI BEA ALONZO SA GALLERY SA IBABA: