
Nalalapit na pagtatapos ng GMA drama series na Start-Up PH, kaya naman patindi nang patindi ang problemang kinakaharap ng dreamers sa loob ng SandboxPH.
Sa latest episode ng serye, nasubukan ang katatagan at unity ng Team Dani sa pamamagitan ng offer ni Mr. A (Tim Yap).
Dahil agad na naniwala si Dani (Bea Alonzo) sa inaalok sa kanila ng isa sa mentors sa SandboxPH, umasa siyang magiging matagumpay ang kanilang grupo kapag pinirmahan na niya ang kontrata tungkol sa isang kasunduan.
Matapos mapirmahan ang kontrata, nalaman ng Team Dani na iba pala ang plano ni Mr. A sa kanilang grupo at pinaasa lang pala sila nito.
Imbes na buong team ang pupunta sa Korea, pipiliin lang ni Mr. A ang bibigyan niya ng oportunidad at hindi kabilang doon ang CEO na si Dani.
Nang muling magkaharap ni Dani ang kanilang mentor na si Tristan 'Good Boy' Hernandez (Alden Richards), sinermonan siya nito.
Sabi ni Tristan kay Dani, “Sabi ko sa'yo pag-isipan mo mabuti 'yung offer ni Mr. A, na reviewhin mo muna 'yung kontrata. Dani anong nangyari? Dani, hindi ako nagkulang ng paalala sa'yo.
Sagot naman ni Dani sa kaniya, “Pinuntahan mo talaga ko rito para pagalitan? Enjoy na enjoy ka talaga sa pagiging tama eh hano?”
Bakit ka ba ganyan? Bakit ba lagi mong inuuna 'yung pride mo?... Ang sabi mo kaya mo na, sabi mo hayaan kita, na alam mo na 'yung ginagawa mo. Anong nangyari Dani? May nagawa ba 'yung pride mo?”
Panoorin ang sermonan session nina Tristan at Dani sa video na ito:
Embed: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/start_up_ph/175359/start-up-ph-good-boy-spits-out-the-unfiltered-truth-episode-50/video
Huwag palampasin ang susunod na mga kaganapan sa Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.
Insert link:
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/start_up_ph/home/
SAMANTALA, TINGNAN ANG CHIC BOSS LOOKS NI BEA ALONZO SA GALLERY SA IBABA: