GMA Logo start up ph
What's on TV

Start-Up PH: Elevator scene, mapapanood na mamaya!

By EJ Chua
Published November 16, 2022 1:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Korean stars Kim Myung Soo, Choi Bo Min named PH tourism ambassadors
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

start up ph


Ready na ba kayo sa elevator scene ng Team TrisDan (Tristan at Dani)?

The wait is over, mga Kapuso, dahil mamayang gabi, mapapanood na ang pinakaaabangang elevator scene ng Team TrisDan (Tristan at Dani) sa GMA drama series na Start-Up PH.

Dahil sa mga ikinikilos ni 'Genius Boy' Davidson (Jeric Gonzales) napapansin ni 'Good Boy' Tristan (Alden Richards) na tila may espesyal na itong koneksyon kay Dani (Bea Alonzo).

Matapos makita na sweet sina Davidson at Dani, nagsimula nang umiwas si Tristan sa dalaga.

Dahil labis na siyang nasasaktan sa kaniyang mga nakikita, tila magsisimula na siyang manlamig kay Dani at sa mga kagrupo nito.

Mukhang dobleng kasungitan na ng mentor na si Tristan ang masasaksihan ng mga manonood.

Ano kaya ang maiisip ni Dani na posibleng dahilan ng pag-iwas sa kaniya ng kanilang mentor? May pag-asa pa kayang magkaayos sina Tristan at Dani? Ano kaya ang susunod na mangyayari sa Team TrisDan?

Panoorin sa video na ito ang ilang pasilip sa episode na mapapanood mamaya:

Mapapanood ang Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad; at sa GTV tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at 11:00 p.m. tuwing Biyernes.

Ipinalalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye DITO.

SAMANTALA, SILIPIN ANG THANKSGIVING PARTY NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: