GMA Logo start up finale week
What's on TV

Start-Up PH: Finale Week!

By EJ Chua
Published December 20, 2022 11:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

start up finale week


Alamin ang mga dapat abangan sa finale week ng 'Start-Up PH' DITO:

Sa huling linggo ng GMA drama series na Start-Up PH, ilang mabibigat na eksena pa ang dapat abangan ng dreamers!

Kahit nalaman na nina Dani (Bea Alonzo) at Ina (Yasmien Kurdi) na ang kambal na sina Anjo (Jay Arcilla) at Joan Perez (Brianna) ang nasa likod ng ransomware attack, tila hindi pa rin sila kampante sa mga susunod na mangyayari sa kanilang proyekto na self-driving car.

Dahil dito, sinabi ni Ina sa kaniyang kapatid na baka mas mabuti kung makikipagtulungan sila sa Three Sons Tech boys na sina Davidson 'Genius Boy' (Jeric Gonzales), Jefferson (Royce Cabrera), at Wilson (Boy 2 Quizon).

Suhestiyon niya ay i-hire ang mga ito upang mas mapaganda pa ang features ng kanilang proyekto.

Kaabang-abang kung paano iha-handle ni Tristan 'Good Boy' (Alden Richards) na magiging magkatrabahong muli ang girlfriend niya na si Dani at ang kaniyang karibal sa dalaga na si Davidson.

Hindi rin dapat palampasin kung magiging matagumpay ang Team Dani sa proyektong kanilang pinaghihirapan na makakatulong sa mga taong may sakit o problema sa kanilang mga mata.

Isa pa sa mga dapat abangan sa serye ay kung ano ang mangyayari kay Arnold Diaz (Gabby Eigenmann) at sa kaniyang anak na si Spencer (Kaloy Tingcungco).

Bukod sa mga ito, ang pinakamahalagang dapat tutukan ng mga manonood sa huling linggo ng Start-Up PH ay kung sino kina Tristan at Davidson ang makakatuluyan ni Dani.

Balikan ang ilang mga eksenang napanood noong nakaraang linggo sa video na ito:

Huwag palampasin ang mga huling tagpo sa Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.

SAMANTALA, SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: