
Mamayang gabi sa Start-Up PH, mukhang may nakakakilig na magaganap!
Kaabang-abang ang mga eksena nina Tristan 'Good Boy' (Alden Richards) at Dani (Bea Alonzo).
Matapos magkaroon ng alitan sa loob ng SandboxPH, mukhang may babawi.
Aaminin na kaya ni Good Boy na siya ang tunay na ka-penpal noon ni Dani? O aaminin na niya ang tunay na nararamdaman niya para sa dalaga?
Hindi rin dapat palampasin ang mangyayaring pagpapasiklaban sa loob ng bahay ni Lola Joy (Gina Alajar).
Habang sabay na nagpapasikat kay Dani, tila hindi maiiwasan ang alitan sa pagitan nina Davidson 'Genius Boy' at Tristan 'Good Boy.'
Panoorin ang video na ito:
Sabay-sabay nating abangan ang kapana-panabik na mga eksena mamaya!
Samantala, mapapanood ang Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA:
--