
Nalalapit na ang pagtatapos ng GMA drama series na Start-Up PH, ngunit tila patindi nang patindi ang mga rebelasyon at eksenang napapanood sa serye.
Nito lamang nakaraang linggo, sinubaybayan ng mga manonood ang eksena kung saan inamin na ni Tristan 'Good Boy' Hernandez (Alden Richards) kay Danica 'Dani' Sison (Bea Alonzo) ang buong katotohanan kung sino nga ba talaga siya sa buhay ng dalaga.
Sa loob ng napakahabang panahon, nagkunwari at nagsinungaling sina Tristan at Lola Joy (Gina Alajar) kay Dani.
Nagsimula ang kanilang pagkukunwari nang humingi ng pabor si Lola Joy kay Tristan, ang batang lalaki na kinupkop niya noon.
Nagpatulong si Lola Joy kay Tristan na magkunwari itong si Davidson Navarro, ang childhood crush ni Dani.
Sumulat siya kay Dani upang pagbigyan ang kahilingan ni Lola Joy para sa kaniyang apo na malungkot noon dahil nalayo ito sa kaniyang kapatid na si Ina (Yasmien Kurdi) nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.
Makalipas ang mahabang panahon, muling nagkatagpo sina Tristan at Lola Joy at doon na nagpatuloy ang nasimulang pagkukunwari kay Dani.
Samantala, dahil sa sunud-sunod na kahina-hinalang mga salita at kilos ng binata, gumawa ng paraan si Dani upang malaman kung may tinatago si Tristan, ang kasalukuyang mentor ng kaniyang grupo sa loob ng SandboxPH.
Nito lamang Biyernes, November 25, umamin na si Tristan kay Dani na siya ang tunay na ka-penpal noon ng dalaga.
Panoorin sa video na ito ang nakaaantig na eksena nina Tristan at Dani:
Huwag palampasin ang susunod na mga kaganapan sa Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye dito.
#CHIC: THE MANY TIMES BEA ALONZO DRESSED LIKE A LADY BOSS: