GMA Logo Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, and Jeric Gonzales
What's on TV

Start-Up PH: Last 2 nights!

By EJ Chua
Published December 22, 2022 12:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Son of filmmaker Rob Reiner makes court appearance on charges he murdered parents
4th leg ng Noel Bazaar nasa Filinvest Tent sa Alabang, mula Dec.19-21, 2025 | 24 Oras
Concerns raised over damage to flood control project in Surigao del Norte

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards, Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, and Jeric Gonzales


Anu-ano kaya ang mangyayari sa huling dalawang gabi ng 'Start-Up PH?'

Sa huling dalawang gabi ng GMA drama series na Start-Up PH, susundin na ni Danica “Dani” Sison (Bea Alonzo) ang tunay na sinisigaw ng kaniyang puso.

Matapos ang selosan at hindi pagkakaintindihan, may pag-asa pa rin kayang magkaayos sina Tristan “Good Boy” Hernandez (Alden Richards) at Dani?

Ano kaya ang pinakahuling pag-uusapan nina Davidson “Genius Boy” Navarro (Jeric Gonzales) at Dani?

Kaabang-abang din kung ano ang gagawin ni Katrina “Ina Diaz” (Yasmien Kurdi) upang maibalik na ang kaniyang tunay na apelyido at makalaya na mula sa kapangyarihan ng kaniyang salbaheng stepfather na si Arnold Diaz (Gabby Eigenmann).

Ano kaya ang magiging buhay ng dreamers na sina Dani (Bea Alonzo), Ina (Yasmien Kurdi), Davidson (Jeric Gonzales), Jefferson (Royce Cabrera), Wilson (Boy 2 Quizon), at Stephanie (Kim Domingo)?

Sinu-sino kaya ang magtatagumpay at saan nga ba sila dadalhin ng kanilang mga pangarap?

Excited na ba kayong malaman kung sino ang makakatuluyan ni Dani?

Tuluyan na nga bang mabubuo ang pamilya ni Lola Joy (Gina Alajar)?

Abangan ang lahat ng kasagutan sa huling dalawang gabi ng Start-Up PH mapapanood mamaya at bukas ng gabi, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito mamaya, 11:30 p.m., at bukas, sa oras na 11: 00 p.m.

Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.

Maaari ring balikan ang iba episodes ng serye rito.

SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: