
Sa nalalapit na pagtatapos ng GMA drama series na Start-Up PH, sunud-sunod na mga rebelasyon ang dapat pang abangan ng mga manonood.
Mamayang gabi, mapapanood kung paano magpapakumbaba si Davidson 'Genius Boy' (Jeric Gonzales) kay Arnold Diaz (Gabby Eigenmann), upang hindi na nito ituloy ang kaso laban sa kaniya.
Nang malaman niya ang ginagawa ng kaniyang stepfather sa grupo ni Dani, tila magsisimula nang makialam si Ina (Yasmien Kurdi).
Makukuha kaya sa pakiusapan si Arnold?
May makakapigil pa kaya sa pakikipaglaro ni Arnold sa Team Dani?
Samantala, habang si Dani (Bea Alonzo) ay abala sa pag-aayos ng problema ni Davidson at ng kanilang grupo, wala siyang kaalam-alam na anumang oras ay maaaring malagay sa kapahamakan ang kaniyang lola na si Lola Joy (Gina Alajar).
Dahil sa kaniyang sakit, nahihirapan nang kumilos nang maayos si Lola Joy dahil unti-unti nang lumalabo ang kaniyang mga mata.
Hindi na rin niya napapansin kung tama pa ang mga ginagawa niya kapag siya ay mag-isa sa kanilang bahay.
Sa nakaraang episodes ng serye, nakiusap si Lola Joy kina Tristan 'Good Boy' (Alden Richards) at Davidson 'Genius Boy' na sana ay huwag nilang sabihin sa kaniyang apo na si Dani ang tungkol sa kaniyang sakit.
Ano kaya ang mangyayari ngayong gabi?
Kaya pa kayang itago ni Lola Joy kay Dani ang tungkol sa tunay niyang kalagayan?
Aabot kaya ang Gabay Mata app na ginagawa ni Davidson para kay Lola Joy?
Ano pa kaya ang susunod na sikretong mabubunyag?
Panoorin ang ilang pasilip sa episode na mapapanood mamaya:
Maaari ring balikan ang trending na elevator scene ng serye sa video na ito:
Huwag palampasin ang iba pang rebelasyon sa susunod na episodes ng Start-Up PH, mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG THANKSGIVING PARTY NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: