
Sa pagpapatuloy ng GMA drama series na Start-Up PH, unti-unti nang natutupad ang mga kahilingan ni Lola Joy (Gina Alajar).
Isang araw, naisipan ni Lola Joy na pumunta sa SandboxPH upang dalhan ng pagkain ang kaniyang apo na si Dani (Bea Alonzo).
Ngunit dahil naikuwento sa kaniya ni Dani na nandoon din ang kaniyang ate na si Ina (Yasmien Kurdi), sobra ang dinala ni Lola Joy dahil nagbabakasakali siyang makikita niya roon ang isa pa niyang apo.
Sa pagbisita niya kay Dani, laking gulat niya nang muli niyang makatagpo si Ina.
Maraming taon man ang lumipas na hindi sila nagkikita, tila hindi nagbago ang pakikitungo ni Lola Joy sa kaniyang apo.
Iniwan man ni Ina noon sina Dani at ang kaniyang lola, ang mahalaga para kay Lola Joy ay muli siyang magkaayos ng kapatid nito at mabuo muli ang kanilang pamilya.
Sabi ni Lola Joy kay Ina, “Ina, kahit ano pa sa tingin mo ang nagawa mong pagkakamali, hindi nagbabago ang pagtingin ko sa'yo, apo pa rin kita.”
Matapos ang kanilang pag-uusap, hindi napigilan ni Ina na maiyak nang yakapin siya ni Lola Joy.
Panoorin ang nakaaantig na eksenang ito:
Sabay-sabay nating abangan ang mga susunod na eksena nina Lola Joy at Ina!
Samantala, mapapanood ang Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.
Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: