
Sa nalalapit na pagtatapos ng Start-Up PH, sunud-sunod na pagsubok ang kinakaharap ni Danica 'Dani' Sison (Bea Alonzo) habang nasa loob siya ng SandboxPH.
Habang si Dani ay patuloy na lumalaban para sa kaniyang pangarap na maging isang CEO, ang kaniya namang lola na si Lola Joy ay nagpapakatatag dahil sa kaniyang sakit.
Labis na kalungkutan ang naramdaman ni Lola Joy nang malaman niyang mayroon siyang sakit sa mata at may posibilidad na isang araw ay hindi na siya makakita.
Bukod sa kaniyang sakit, iniisip niya rin ang kaniyang apo na si Dani dahil siya na lang ang kasama nito sa buhay matapos itong iwan sa kaniya nina Alice (Ayen Munji-Laurel) at Ina (Yasmien Kurdi).
Matapos magpacheck-up, nalaman na ito ni Tristan 'Good Boy' (Alden Richards) ang tinulungan noon ni Lola Joy.
Makalipas ang ilang araw, nagulat si Lola Joy dahil alam din pal ani Davidson 'Genius Boy' (Jeric Gonzales) ang tungkol sa kaniyang kalagayan.
Nakiusap siya kay Davidson na sana raw ay manatiling isang sikreto ang tungkol sa kaniyang sakit.
Pakiusap ni Lola Joy sa binata, “Dave, kakapalan ko na yung mukha ko. Makikiusap ako ulit sa'yo. Kung puwede sana huwag mo munang sabihin kay Dani ang nakita mo. Kasi, ayokong malaman ng apo ko ang sakit ko.”
Panoorin ang nakaaantig na eksenang ito:
Hanggang kailan kaya isisikreto nina Lola Joy, Genius Boy, at Good Boy, ang tungkol dito kay Dani?
Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay ipapalabas ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay mapapanood ito sa oras na 11: 00 p.m.
Ipinapalabas din ang programa sa Kapuso Livestream at GMA Pinoy TV.
Maaari ring balikan ang previous episodes ng serye dito.
SAMANTALA, SILIPIN ANG THANKSGIVING PARTY NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: