GMA Logo Yasmien Kurdi and Jeric Gonzales
What's on TV

'Start-Up PH' star Jeric Gonzales has this say to his doubters

By Aedrianne Acar
Published November 9, 2022 11:35 AM PHT
Updated November 9, 2022 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

Yasmien Kurdi and Jeric Gonzales


Aminado si Jeric Gonzales na kinabahan siya nong una niyang malaman na gaganap siya bilang Davidson sa 'Start-Up PH.'

Happy at satisfied ang Kapuso stars na sina Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi sa outcome ng Pinoy adaptation ng kinabibilangan nilang primetime series na Start-Up PH.

Nakapanayam ng GMANetwork.com ang dalawa sa idinaos na event ng GMA Pinoy TV na Special Watch Party with the Bay Area Start-Up community via zoom nitong Sabado, November 5.

Ginagampanan ni Jeric ang role bilang Davidson, samantala pino-portray naman ni Yasmien ang karakter ni Ina na eldest sister ni Dani played by the multi-awarded actress Bea Alonzo.

Sa dami ng natatanggap na positive reviews ng kanilang show, worth it daw ang pagod at hirap nila sa shoot, kahit na noong una may iilan na nag-doubt kung mapu-pull off nila gawin ang isang very popular K-drama.

Aminado ang Kapuso heartthrob na si Jeric na may kaba nang malaman niya noong una na parte siya ng Start-Up PH.

“Ako naman natawa ako doon sa sinabi mo, 'yung doubters.”

Pagpapatuloy niya, “Kasi naalala ko talaga, ang dami talagang doubters lalo na sa akin, dun sa role ko dito kay Davidson, But I took it as a constructive [criticism], kasi it gave me push talaga na ma-motivate na kaya ko 'tong role na 'to.”

Binigyan-diin ng Sparkle leading man na kailangan niya i-build ang confidence niya sa sarili na kaya niya gawin itong big break na ibinigay ng kaniyang home network.

Ani Jeric, “Noong una ko malaman na ako 'yung gaganap as Davidson, kinabahan ako siyempre. Bago sila mag-doubt, ako rin nag-doubt muna ako sa sarili ko, kasi napanood ko ito mismo e, bago ko pa malaman na makakasama ako dito, napanood ko ito.

“Na-in love talaga ako doon sa kuwento, sa character and kay Nam Do-san. And 'yung ako na 'yung gagawa nun, kinabahan talaga ako. Sabi ko, 'Kaya ko ba 'to?', ang galing ni Nam Joo-hyuk kung paano niya ginawa ito.

“Pero, I trusted of course GMA and the production, our bosses, [our] directors na sa akin nila binigay 'to.”

“So, I trusted myself. At first nangangapa pa, siyempre kung paano niya ginawa [Joo-hyuk], mahirap talaga. Pero nung, nakapa ko na siya as Jeric Gonzales na atake, so I gave my own flavor.”

Mabusisi naman ang ginawang preparation ng StarStruck First Princess na si Yasmien Kurdi para mabigyan niya ng Filipino twist ang role bilang Ina na sa original K-drama series ginampanan ni Kang Han-na.

Ayon sa long-time Kapuso actress, “Yes nag-doubt din ako nang konti bago ko tanggapin. Sabi ko, 'Kakayanin ba?', so pinanood ko uli at uli.

“Pinanood ko, sabi ko, 'Kaya ko!', kaya ko 'yung In-jae. Happy ako dun sa outcome [and] nagustuhan nila. Honestly, ako mismo hindi ako lumayo sa original, kung ano 'yung portrayal ng original ni-level up ko lang nang konti.

“At nilagyan ko ng Filipino flavor, siyempre hindi naman puwedeng kapag Koreano nila sinabi, ganun mo rin sasabihin sa Filipino. Siyempre iba 'yung kung paano natin sasabihin in a Filipino way.

“Pero 'yung ibang nuances ni In-jae, nilagay ko rin kay Ina Diaz, plus nilagyan ko ng ibang Filipino nuances na makaka-relate rin 'yung ibang Filipino viewers. So, I'm happy dun sa outcome.”

Walang bibitaw sa panonood ng Start-Up PH, mamayang 8:50 p.m. sa GMA Telebabad at 11: 00 p.m. naman sa GTV.

SILIPIN ANG HIGHLIGHTS NG START-UP PH THANKSGIVING PARTY: